...

Dreamhouse Construction – Materials and Labor Cost


Sa mga may plano magpagawa ng bahay i-share ko sa inyo kung paano ginawa (ginagawa hindi pa kasi tapos) ang aming dreamhouse. Simula sa presyo ng mga materyales na ginamit at ang bayad sa labor para maitayo ito. Ang mga presyo ng materyales ay apektado ng maraming factors kaya maaaring hindi magkapareho sa hardware na malapit sa inyo. Nasa probinsya ng Albay po ang pinatayo naming bahay. Ang budget na ginamit ko ay galing sa aking ipon mula sa blogging at sa maliit na negosyo (at sa tulong na rin ng aking kapatid na OFW)


Planning

Hindi naman ito gaano kalakihan, wala ako kinuhang architect para gumawa ng plano (meron pala pero para sa pagkuha lang ng building permit), bumili lang ako ng floor plan online, hindi po ito complete na plano yung floor plan lang tapos ni-revise ko na lang at sa tulong ng foreman na kinuha ko at mga suggestions n’ya nabuo ang plano ng bahay. Gumawa ako ng model house na karton para mas madali masundan at parang actual nakikita yung gagawing bahay.

Dreamhouse - Model structure
Ito yung Cartoon model na ginawa ko

Makikita ninyo na medyo iba ang ginawa kong model house, habang ginagawa kasi yung bahay marami pumapasok na mga ideas na sa tingin ko parang mas maganda at babagay (sa palagay ko) kaya marami nabago at dinagdag sa actual. Yung garahe pala nilipat namin sa right side, yung unang  plan kasi sa likod dapat pero medyo masikip.

Wala palang detailed drawing na sinusundan gaya ng size ng poste, beam, lalim ng pundasyon, mga size ng bakal na gagamitin at iba pa. Yung foreman ko na lang ang bahala kasi kabisado na n’ya ang sakin lang yung sukat at design ng bahay, basta sasabihin ko lang sa kanya dapat ganito, ganyan s’ya ba balaha sa detalye.

Permits

Pagdating naman sa permit, syempre kailangan may plano ang bahay (detailed plan) para mabigyan ng Building permit. Ang ginawa ko pinakita ko na lang yung floor plan na binili ko at nagbayad na lang ako para gawan ng plano base dun sa floor plan. May kakilalang architect yung foreman at sya na lang gumawa ng structural, electical, plumbing at iba pa. Umabot sa Php 35k ang nagastos ko para sa building permit, kasama na dito yung  pagpapagawa ng drawing, lahat-lahat na pinalakad ko na lang kasi alam n’yo na ang bagal ng proseso.

4 thoughts on “Dreamhouse Construction – Materials and Labor Cost”


  1. Detailed, step by step, and very transparent scope of work. Highly commendable to everyone planning to build a dreamhouse. More power sir!

    Reply

Leave a Comment